Friday, March 27, 2009
Pandesal of my life
As pandesal price goes higher, the salt of my life lessens -- I think.
Today is Friday. Friday in Saudi makes me think (and do) silly things. Like this one.
Pandesal is a favorite bread of most Filipinos. From a Spanish word pan de sal which literally means salt bread.
[By the way, have you already subscribed to my feed? If you haven't, I'd appreciate if you do. Thanks.]
I'm expecting na ang susunod niyo pong gagawin ay ang graph ng buhay niyo at ng pamasahe sa jeep. U
Mas mataas pa ang presyo ng pan de sal kaysa sa excitement ng buhay niyo?!
Ano pong newspaper? Napaka-humble naman, ayaw pang sabihin.
RJ: Next week.
Mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng pandesal kesa sa pagiging exciting ng buhay ko.
Dream ko kasing sumulat kaya nag-try ako sa Chronicle. Siguro naka-5 to 6 by-lined articles din ako bago ko napatunayan na walang kita sa pagsusulat maliban n lang kung super galing ka (tsaka sinabihan ako ng editor na magsulat n lang daw ako sa Taliba). Kaya naghanap ako ng 7 to 5 work. Habang may full time job ako, nagcontribute ako sa Diyaryo Filipino. Pareho na silang sarado ngayon. Story of my life.
hehehe, galing naman Nebz. We are grateful na nakilala ka namin and you are sharing your thoughts with us here sa blogosphere.
By the way talking about Pandesal, have you Queens Pan De Sal? tasty, really!
ayun.. nakabasa na naman ako ng "tasty"(hehehe! kuya thoughts!)... bakit kase "tasty" talaga?!?!?! hindi "delicious"!!!
anyways.. kuya Nebz, nice to know a part of you thru this graph presentation.
after siguro nung sinabi ni Doc RJ na graph about pamasahe ng jeep... siguro magandang isunod eh graph ng tuition fees... o kaya hotel fees... o kaya motel fees... ay ano ba yan! naughty na naman!!! hehehehe!
keep writing... naiinspire kami.. (aside from nagugutom!) toinks!
Sa presyo ng tinapay ngayon sa Pinas, hindi na dapat pandesal ang tawag dyan kundi pan-de-leche. : (
hay namiss ko tuloy pan de pugon with peanut butter with salmonella lol.wow ang galing naman ng pandesal sa yugto ng buhay mo lolo nebz joke lang po nebz lol.oi peryodista ka pala dati ang galing naman.
Salamat sa isang napakalasang umaga at isang mapagkumbabang simulain ng iyong buhay na iyong ibinahagi sa amin kaibigang Nebz.
Purihin ka, angkop sa tunay na panglasang Pilipino ang iyong mga panulat.
uu nga...pero hindi naman maalat ito...matabang..aheks... pero depende kung saan ito bibilihin...sa pande manila...da best malinamnam ang pandesal nila...
ahehehe...at talagang may significance ang pandesal sa buhay natin...yung piso per piece yata ang naalala ko noon...pero kahit magbago man ang presyo nito...napaka-klasik pa din ang lalagyan nito..."supot na papel"... :)
gusto kong magkape...kahit di ko na isawsaw sa kape ang pandesal kasi malambot na siya...malambot dhil hangin ang nasa loob...hehehe
Dito walang pandesal, pero meron "brioche" or monay.
Mas sikat dito french bread baguette(meaning sticks)kasi mahaba siya na pwede na pamalo sa masasalubong, haha.
Yun lang, crunchy or malutong siya na tinapay, sarap saw saw sa kape...
i missed pandesal.
makapunta nga ng
Balad mamaya hehehe.
at mas mataas talaga ang price ng pandesal kesa sa exciting things sa buhay huh! hmmm
Ayos nalang po pala kung hobby ang pagsusulat. o",)
Tsk, hanga po talaga ako sa inyo. Makikita kasi talagang mahusay at magaling kayong writer.
***Naisip ko instead na fare sa jeepney, baka mas ayos kung oil prices nalang po.
nakakain na ko ulit ng pandesal kanina... at malaki.... malaki ang kinalalagyan ng hangin sa loob nito..
must be exciting to work in a theater company? :d
i wonder what major newspaper yun? ahihihihih
Favorite ko, freshly baked Pan de Sal with butter.mmmmmmmm!
Hi! I'm giving you an award, the uber amazing blog award. just visit my blog para i-accept. congrats po!
Salamat po sa comments.
Kenji: Oo nga. Masarap ang luto nila pero habang tumatagal, lumiliit ang mga pandesal.
Azel: Sige, try kong i-graph ang motel rates sa aking bed life. Haha. Zero.
Ed: Hehe. Natawa naman ako sa pan-de-leche.
Mightydacz: Wala lang kasi akong magawa talaga. Pangarap lang ung pagiging reporter sa dyaryo.
The Pope: Wala pong anuman. Baka rin isang araw, mag blogserye na rin ako tulad ng mga melodrama sa TFC. Ay, nauna na pala si Yanah.
Super G: Namimiss ko ung buhay ko nung apat piso pa ang pandesal. Tingin ko nga diyes pa ang isa. Tapos dairy cream ang palaman. Tapos me bitbit na rin akong Balita newspaper para sa tatay ko. Namimiss ko un...
Pogi: Dahil sa hirap ng buhay, hangin n lang ang laman ng lahat. Kakalungkot.
Francesca: Hindi ko na-enjoy ang french bread. Masarap nga daw syang gawing garlic bread. Meron din dito sa Saudi pero once lang ako bumili. Sa haba hindi ko naubos tapos ang dali pang tumigas.
Madjik: Mas exciting pa ang pagtaas ng presyo ng pandesal. Kawawa naman ako no?
RJ: Oil price. A, mas exciting un. Baka mawala sa graph ang 'exciting things in my life' line ko.
JVC: Pareho tayo. Screw the cholesterol!
Badong: Salamat po.
I remember introducing pandesal (specifically Pan de Manila) to Garandee, and she's been hooked since. She would go very early in the mornings para ma abutan nya yung freshly cooked batch.
That's a jolly analysis. Ang mahal na nga ng pandesal sa Pilipinas. Nung last time na nagbakasyon ako nakakagulat yung presyo. Nakakamiss din kase wala nyan dito sa UAE.