Monday, July 20, 2009
What will you do with your PHP100 million?
If you won PHP 100 million from PCSO Lotto, how will you spend your winnings?
This was the topic of our conversations the other day with my Filipino officemates.
Popular choices were a franchise from either McDonalds or Jollibee or long-term time deposit in the bank.
Someone planned to put up a foundation so he could offer free college education to deserving students. Sort of study-now, sponsor-someone-else-later. Or something like that.
[...Now may I ask: what will you do with your PHP 100 million?...]
Sorry, you can no longer run in the Philippine presidential elections because Ed of The Sandbox has beaten you to it. Besides we're talking only of one hundred million, not one billion!
hey mr nebz its been a long time finally i got my net connection anytime anywhere lol pero medyo busy malapit na kasi sa mga big boss dito sa riyadh big bro is watching all the time lol hay millionsssss travel hanggang outer space lol
'Yong totoo?
10% niyan idu-donate ko sa simbahang Katoliko sa bayan namin at sa chapel sa baranggay namin.
Then ang natira, bibili ako ng magandang bahay sa Davao City.
Kukuha ng visa para makapag-travel sa Europe kasama ang dalawa kong kapatid (hindi mahilig bumiyahe ang nanay dahil sa kanyang biyahilo).
Uhmn... magpapatayo ng mga piggery at poultry farms doon sa amin at ii-employ ko ang mga malapit na kamag-anak at mga kapitbahay na nangangailangan ng trabaho.
Ang natira? Huhmn. Bibigyan ko rin ng share 'yong mga bumoto at sumuporta ng aking PEBA entry. Paano ko kaya sila mati-trace? Hahaha!
10% para sa mga batang walang makain at hindi makapag aral...
House n Lot para sa pamilya ko at sa parents ko...franchise ng...di ko pa alam basta magnenegosyo ako...
at yung 10% ng kikitain ko sa negosyo kada taon mapupunta sa mga batang walang makain at di makapag aral, uli... :)
hmmmmm...
una, i will deposit most part of it in the bank para habang nagiisip ako pano gagastusin eh tumatakbo ang panahon... after a year, magkakainterest agad!
part of it i-dodonate sa Church para mas mapaganda at mapalake ang chapel sa likod ng simbahan namin sa Tiaong.
another part para sa matagal ng foundation na gustong buuin ng angkan namin in the name of my late tita.
gusto kong bumili ng land and put up a ranch para sa dad at mom ko. gusto kase nila peaceful ang lugar at magandang scenery.
of course, for once we will travel in a place na gustong puntahan ng parents ko, kung saan un di ko pa alam!
another business sa town namin para mabigyan ng trabaho ang mga kababayan ko. the business could be like the one na gusto ni Doc RJ. para kahit sino, "no read, no write man" pwedeng maging employee sa production area.
magpapatayo ako ng hospital. (bahala na si ate dyan!)
donate a part sa Women's Crisis Center. (oo, meron nyan sa Pinas!)
lakwatsa kasama ang mahal ko.
and of course, i'll buy myself a mini-cooper, ung pink!
kasya kaya???
Ang babait!
Hindi nyo naitatanong...(usual na dialogue ng mga gustong magyabang!)...ako'y eto ang plano:
Itatago ko sya nang walang nakakaalam.
Magdodonate ako (ng walang nakakaalam) sa 10 secondary schools para makapag-paaral sila ng 10 high school students.
Bibili ako ng isang farmlot at bibili rin ako ng aking dream car: ung single-cab Pickup (na lumang model) na kulay deep green o kaya deep red. Gagamitin ko sya sa aking farm.
Bibigyan ko ng pera ang pamilya ko para makapaglakbay sila sa ibang bansa.
Gaya ni RJ, pag-aaralin ko ang aking 2 pamangkin sa Japan (dahil maganda raw ang system of education dun).
Hindi na ako magdodonate sa simbahan. Magdodonate ako sa mga charity institutions. Mayaman na kasi ang simbahang katoliko sa Pinas.
Hmmm...parang napaka laking halaga pero napaka daling maubos. Malamang mag nenegosyo ako. Syempre donate sa mga nangangailangan,mag time deposit para sa mga kapatid ko, bibili ng mga pang investments, makikipag sosyo sa SM, Mcdo, etc...etc... hehehe sana totoo.
ako naman, magtatayo ako ng restaurant dahil pagkain lang ang forte ko hehehe at iha hire ko ang mga makamag-anak ko na nangangailangan, bibili ako ng maraming lupain at magpapatayo ng bahay sa mga kapatid ko at para sa amin at higit sa lahat pagbibigyan ko na rin ang dream business ng asawa ko, magpapatayo raw sya ng malaking aquarium: ang nasa loob ay mga babae na lumalangoy at may numbers, pipili lang ang mga customers kung sino ang ipapaluto nila bwahahaha (joke lang hehehe dream lang naman)....oks ba nebz?
Bawal ang tumaya ng lotto, pero sakaling may napulot ako na numero na nanalo... (sarap mangarap)
10% ibabayad ko sa Tithing.
tapos, Bibili ako ng ilang ektaryang luma, papatayuan ko ng mga murang housing para sa mga simpleng tao, at ang 10 dun premyo ng mga mananalo sa PEBA Top 10.
Ibibili ko ng sariling website ang Kablogs at Thoughtskoto, at magseserve at magemploy ng taong 24/7 na tagasagot ng email/sms/tawag sa mga kababayang OFW na nangangailangan ng tulong.
At panghuli, uuwi ako ng Pilipinas at magtatayo ng negosyo para may trabaho ang mga kababayan ko duon. At magtatayo ng foundation para sa mga kabataan na hindi makapag-aral sa hirap ng buhay.
ako naman, aarkila ako ng spy, para hanapin ang tinatago ni nebz na 100 million, e di may 200milliones nako. he he he.
teka pag nanalo ako talaga.
susuportahan ko si blogusvox sa pagkapresedente.pwede na ang 200milliones dun.
at syempre ako ang hahawak sa budget ng gobyerno pag nanalo sya,syempre di naman sya makakangal kasi ako ang pinanser nya diba,palagay ko magiging 20billionnes ang pera ko. whhhhhooose!
at ang huli rin tataya muna ako sa lotto,pag tumama ako.
lahat ng binanggit nyo, gagawin ko.ayun o nasa comment nyo.
basta simple lang ang gusto ko.:)
Sa dami nng pera na ito, titigil na ako sa pag-aabroad hahaha.
Magtatayo ng ilang negosyo, tulad ng Jollibee, hmmm bibili ng lupa, gusto ko ay farm for my retirement. Syempre savings para sa aming family.
I'll shoulder the medical expenses of my diabetic sister.Pag-aaralin ko ang mga deserving pamangkins..
Napakaraming charitable institutions which I have to check kung saan ako magbibigay ng donations... but I prefer to give scholarship grants.
Sana magkatutuo ito kahit hindi ako nataya ng lotto, hehehehe.
Salamat sa iyong post, sa sobrang pagiging abala marami rin akong nakalimutan na buhay, tulad ng mangarap kahit sa panandaliang oras, nakakagaan ng kalooban.
God bless you.
ako rin magpapaka-bait. seriously, ido-donate ko talaga yung maliit na parte nun sa charity. tas yung iba, ido-donate ko sa mga kamag-anak ko. tas yung iba ido-donate ko sakin. lol
Hahaha.
Joyce: Sarap mangarap no? Libre naman e kaya ok lang.
I love the aquarium, Sardonyx. Makikilangoy ako at maglalagay ng sarili kong number. Chura lang nila kung hindi ako mapili.
Kenjie, sana manalo ka ng 100m at sana isa ako sa manalo sa PEBA. Ung house and lot, pauupahan ko. Hehehe.
Ever, wish ko lang na meron talaga! Pero love ko ung plano. Parang bakas ako jan.
Your holiness, talagang The Pope ka. Na-touch ako dun sa pagtulong mo sa diabetic sister mo.
Sa lahat: Pero kahit wala tayong 100m, pwede pa rin naman tayong maging charitable sa simpleng paraan di ba?...
Some will go to charity, specifically Gawad Kalinga. I'm really impressed with their progress kase. Then I'll invest in real estate that will hopefully keep me afloat when I retire. I guess that sums up the 10% of the 100 million that Garandee will hopefully let me use. :D
haaaaay buhay asawa.
Badz: E mabait k n db? Biro mo un, bago ang sarili mo e ibibigay mo muna sa (in this order): charity at kamag-anak. Hinuli mo pa ung sarili mo. O hindi ba kabaitan talaga un?
Garando: 90% talaga kay Garandee?! Natawa naman ako. You're such an honest husband. And yes, I agree, if there's one charity that I would love helping, it's Gawad Kalinga.